Manila, Philippines – Ngayong araw ang simula ng retraining sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ng 1, 143 pulis Caloocan na una nang tinanggal sa pwesto matapos ang sunod – sunod na kontrobersiyang kinasangkutan ng mga ito.
Ayon kay PCI Kimberly Molitas, PIO Chief ng National Capital Region Police Office, tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw kung saan muling isasalang sa Physical Training, Spiritual at skills enhancement at iba pang refresher course ang mga pulis, na pangungunahan ng Special Action Forces.
Matapos ang nasabing retraining, muling itatalaga ang mga pulis sa iba’t ibang police stations sa Metro Manila, ngunit hindi na sila ia- assign pa sa Caloocan Police Station.
Facebook Comments