Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na hindi parusa sa halip pagmamalasakit ang kanilang gagawin retraining sa mga pulis Caloocan na una nang sinibak matapos ang mga kontrobersya na pagpatay sa mga menor de edad sa lungsod at ang hindi pagsunod sa police operation sa pagsasagawa ng raid.
Ayon kay dela Rosa nais nyang paalalahahan ang mga pulis Caloocan na isapuso ang pagiging maka dyos, makatao at makabayan habang tinutupad ang kanilang tungkulin bilang pulis.
Sa ngayon nasa Camp Bagong diwa sa Taguig si Gen Dela Rosa upang mismong makaharap ang mga police callocan na ngayong araw ay magsisimula na sa kanilang retraining.
Matatandanang isang libong pulis caloocan ang sinibak kamakailan na ngayon papalitan muna mula sa taga Regional Public safety batallion at iba pang PNP units na gustong magboluntaryong magpatalaga sa Caloocan PNP.