Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-iba na ng ruta ang retrieval team sa kanilang pagbalik sa Bulkang Mayon para kunin ang labi ng 4 na sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Albay.
Ayon sa CAAP, dumaan na ang team sa mas madali at mas ligtas na ruta kasama ang local guide na maalam sa lugar.
Mamayang gabi inaasahang maibaba ang labi ng dalawang piloto at ng dalawang pasaherong Australian nationals.
Idederetso ang mga labi sa Incident Command Post sa Brgy. Anoling, Camalig, Albay bago dalhin sa Scene of the Crime Operations (SOCO) laboratory.
Naging pahirapan ang pag-recover sa labi ng mga biktima dahil mapanganib ang mismong lugar kung saan bumagsak ang Cessna plane sa dalisdis ng bulkan.
Facebook Comments