Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kabilang ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa listahan ng makakatanggap ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga lehitimong OFW ay kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan.
Habang ang mga OFW na nabakunahan na sa ibang bansa ay isasailalim na lamang sa monitoring ng ahensya.
Samantala, iginiit ni Vergeire na kailangan pa ring magpasa ng mga requirements ang ilang government officials sa tuwing pupunta sa ibang lugar o probinsya sa bansa.
Aniya, dapat pa ring magpakita ang mga ito ng valid IDs mula sa ahensyang pinaggalinagn at orihinal na kopya ng kanilang travel authority at dumaan sa symptoms screening.
Facebook Comments