REV-GOV | Planong revolutionary government ng taga-suporta ni Pangulong Duterte, nakababahala – dating senador

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senador Rodolfo Pong Biazon na nakababahala ang plano ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte na Revolutionary Government.

Sa ginanap na Forum sa Manila Hotel, sinabi ni Biazon na dapat mapreserba at ipagtanggol ang ating Constitution dahil ang papel ng mga police at military ay protektahan ang ating Saligang Batas.

Paliwanag ng dating Senador na kinausap umano nito ang mga PMA’r at ipinaalala na ang kanilang duty o trabaho ay ipagtanggol at protektahan ang Constitution at huwag makisawsaw sa mga pulitiko.


Giit ni Biazon, pwedeng palitan ang Saligang Batas pero dapat umanong dumaan sa tamang proseso.

Facebook Comments