REVENUE MULA SA IBENENTANG POWER PLANT SA BAUANG LA UNION, IGINIIT NA HINDI PA NATATANGGAP

Pinabulaanan ng isang mambabatas sa Sangguniang Panlalawigan ng La Union ang umano’y pagkakatanggap ng lokal na Pamahalaan ng Bauang sa revenue share nito sa pinagbentahan ng diesel power plant.

Taliwas umano sa naging mensahe ng gobernador sa isang pagtitipon na naibigay na ang porsyento para sa LGU na itinanggi na rin ng alkalde na may natanggap na ang lokal na Pamahalaan.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na alamin ang katotohanan sa nasabing isyu at humiling ng transparency sa sistema ng revenue-sharing sa pinagbentahan ng pasilidad upang matiyak na mapapakinabangan ito ng mga residente.

Nakatakdang magsagawa ng hearing ang Committee on Budgets and Appropriations at iba pang komite ukol sa nasabing isyu.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments