Manila, Philippines – Nagtakda na ng revenue target ang Department of Finance (DOF) at economic managers ng gobyerno matapos bawiin ang pagsuspendi sa excise tax sa produktong petrolyo sa susunod na taon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, nasa P3.2 trilyon ang target nilang makalap.
Aniya, kumpiyansa silang mas gaganda ang takbo ng ekonomiya ng pito hanggang walong porsyento bunsod ng nasabing buwis.
Sabi pa ni Dominguez, umaasa silang maabot ng Pilipinas ang upper middle income status at bababa ang poverty rate sa bansa.
Facebook Comments