Review sa government assets na maaring ibenta ngayong may COVID crisis, pinamamadali ng liderato ng minorya

Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa economic team na madaliin ang review sa mga government assets na maaring ibenta para pandagdag sa pondong pantugon sa COVID-19 crisis.

Ito ay makaraang magpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magbenta ng government assets kung kukulangin ang pondo pantulong sa mga labis na apektado ng COVID-19 situation.

Dagdag pa ni Drilon, asahan ang malawakang budget deficit kapag natapos na itong pandemic.


Sabi ni Drilon, ilan sa pwedeng tingnan ng economic team ng malakanyang ay ang privatization ng gaming industry.

Tinukoy ni Drilon ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na tinatayang 300 billion pesos taon-taon ang makukuleta ng gobyerno kapag naisapribado ang gaming industry.

Facebook Comments