Miyembro ng Abu Sayyaf group, arestado sa Zamboanga City kahit may umiiral na ECQ

Sa kabila na may umiiral na na Enhanced Community Quarantine (ECQ) tuloy ang law enforccement operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa Sitio Palo-Palo Barangay Muti Zamboanga City nahuli ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Kinilala ang ASG member na si Barri Happil 40 anyos na may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa kasong Illegal Possession of Explosive.


Si Happil ay tauhan ni ASG sub leader Marzan Ajijul.

Sa ulat ng CIDG naaresto ang ASG member sa isinagawang manhunt operation ng Pulisya at Militar sa Brgy Muti Zamboanga City.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG region 9 ang nahuling Abu Sayyaf group member.

Facebook Comments