Revised Anti-Distracted Driving Act, epektibo na ngayong araw

Manila, Philippines – Epektibo na ngayong araw ang revised Anti-Distracted Driving Act o Republic Act 10913.

Sa ilalim ng ADDA, mahigpit na ipagbabawal sa mga driver ang paggamit ng mobile phone o anumang gadget habang nagmamaneho.

Sakop din nito ang pagpapadala ng mensahe, pagsagot ng tawag, paglalaro ng anumang mobile games, panonood ng pelikula, pagbrowse ng internet, at iba pang aktibidad.


Papayagan naman ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho kung may emergency calls o gagamitin ang gadget bilang navigational device.

Maaari ring gamitin ang mobile device kung ito ay hands free o nasa speaker mode.

Ang Land Transportation Office (LTO) ang lead agency nito katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

P5,000 multa ang ipapataw para sa first offense, P10,000 para sa second offense, at P15,000 hanggang P20,000 kasama ang suspension o revocation ng driver’s license para naman sa 3rd at 4th offense.

Una nang sinuspinde ang nasabing batas noong may 18 matapos magresulta ng pagkalito sa mga motorista.

Facebook Comments