Posibleng malagdaan na ang revised concession agreement sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Maynilad Water Services.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, nagpahayag na ng kahandaan ang MWSS at Maynilad sa bagong consession agreement at naglalaman ito ng halos kaparehong terms sa Manila Water deal.
Kinumpirma rin ni Sec. Guevarra na lumagda ng official waiver ang Maynilad, na tumatapos sa lahat ng arbitral awards sa usapin.
Kasama sa mga mahahalagang probisyon na inalis ang non – interference clause at inalis ang charging o pagpapabalikat sa mga consumers ng kanilang corporate income tax.
Binawasan din ang contingent liabilities ng pamahalaan at isinama ang pagbabalangkas o paglalagay ng framework para sa mas maaayos na serbisyo sa publiko.
Una nang inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na i-review ang concession agreement matapos itong madismaya sa hindi patas na probisyon ng water deals.