Target ng gobyerno na matapos ang Revised Concession Agreements nito sa Manila Water at Maynilad bago matapos ang taon.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, balak nilang makumpleto ang Revised Draft bago matapos ang Disyembre.
Kapag natapos na ito ay agad nilang ipe-presenta sa Cabinet Meeting sa Enero.
Bago ito, nadiskubre ng Justice Department na may mga ‘Onerous’ at ‘Disadvantageous’ na probisyon sa 1997 Water Concession Agreements.
Kabilang na rito ang pagbabawal sa gobyerno na mangialam sa pagtatakda ng singil at indemnity.
Facebook Comments