Revolutionary government, hindi ipatutupad sa ilalim ng Duterte administration

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government.
Matatandaan na kahapon, sa talumpati ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na ang paraan lamang para matanggal ang katiwalian sa bansa ay ang pagdedeklara ng revolutionary government kung saan magiging bakante ang lahat ng posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi Martial Law ang kailangan ng Pilipinas kundi ang pagdedeklara ng revolutionary government na ginawa aniya ni dating Pangulong Cory Aquino pero ang mali lang aniya noon ay mga pulitiko din ang itinalaga ni dating Pangulong Aquino sa posisyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagbanggit ni Panglong Duterte sa revolutionary government ay isa lamang paraan na nakikita nito para masolusyunan ang mga problema na humahadlang sa pagunlad ng bansa.
Pero sinabi ni Abella na binigyang diin narin naman ni Pangulong Dutere na hindi iiral sa kanyang administrasyon ang revolutionary government.

Facebook Comments