Revolutionary government, posibleng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi maaayos ang house leadership row at maipasa ang national budget

Photo Courtesy: RTVM (Screen Capture)

Hindi malayong magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi mareresolba ang house leadership row at maipapasa ang 4.5 trillion national budget sa itinakdang panahon.

Ito ang paniwala ni political analyst at UP Professor Clarita Carlos kasunod ng banta ng Pangulong Duterte na siya ang magtatapos kung hindi maaayos nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang gusot sa kanilang pagitan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Carlos na posibleng galit na ang Pangulo sa mga nangyayari sa Kongreso, lalo pa’t sumasabay sila sa mga problem ng bansa dulot ng pandemya.


Ayon kay Carlos, alam ng Pangulo na mahalaga ang pagpasa sa tamang oras ng 2021 national budget dahil nakapaloob dito ang mga stimulus package para makabango ang bansa sa COVID-19 crisis.

Sa pananaw ni Carlos, hindi ang house leadership ang pinag-aawayan ngayon sa Kamara, kundi ang mga insertion ng mga mambabatas sa national budget na posibleng magamit sa 2022 national elections.

Facebook Comments