Reward money para sa mga nakapagturo sa utak sa pagpatay kay Cong. Batocabe, hindi agad ibibigay ng buo

Manila, Philippines – Nagkasundo ang pamilyang Batocabe na hindi ibigay ng buo ang reward money para sa mga testigong nagbulgar sa pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Atty. Justin Batocabe na nagdesisyon silang pamilya na ibigay ‘in tranches’ ang nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.

Hindi kasama dito ang dalawa sa suspek na bumaril at nakapatay kay Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado o alyas RR.


Naglatag naman ng mga kondisyon ang pamilyang Batocabe na ibibigay ang reward money sa pamilya ng apat para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangailangan, at pag-aaral ng mga anak.

Pumayag naman ang pamilyang Batocabe na isailalim sa Witness Protection Program ang mga suspek.

Sinabi pa ng batang Batocabe na nagkaroon siya ng pagkakataon na i-cross examine ang mga suspek bilang siya ay abogado rin at lumalabas na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo talaga ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.

Facebook Comments