Isang Lalaki, Huli sa San Mateo!

San Mateo, Isabela- Natimbog na ng mga otoridad ang isang lalaki pasado alas onse ng tanghali, Enero 17, 2019 matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si hukom Eric D. Banasan, ng MTC San Mateo, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si James Agustin Sabado, trentay dos anyos, walang asawa, at nakatira sa Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Dinala na sa himpilan ng PNP San Mateo ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurn-over sa court of origin nito at nahaharap sa kasong Direct Assault.


May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Sabado na tatlumpu’t anim na libong piso (36,000.00)

Facebook Comments