REWARD? | Pagkakatalaga kay De Castro bilang chief justice, bayad utang ni PRRD – Alejano

Manila, Philippines – Tinawag na bayad utang ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang pagkakatalaga kay Teresita De Castro bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.

Ayon kay Alejano, bayad utang, kawalan ng delicadeza at kagarapalan sa gobyerno ang pagkakapili kay De Castro na Punong Mahistrado.

Aniya, si De Castro ang nanguna sa mga Mahistrado na tumestigo para sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaya maliwanag aniya na “cheap plot” ito.


Isa din itong “cheap dole outs” dahil ginawang reward ni Pangulong Duterte sa kanyang mga tagasunod ang nangyaring pagpapatalsik kay Sereno.

Asahan na rin aniya ang mga dikta ni Duterte sa Hudikatura sa loob ng dalawang buwan na si De Castro ang namumuno.

Facebook Comments