REWARD | PDEA, nagkaloob ng P7-M sa 4 na civilian informants

Apat na civilian informants ang naghati-hati sa halos pitong milyong pisong reward sa ilalim ng private eye ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pagkakaloob ng reward money sa mga informants na kinilala sa code name: Pekka, Milo, Rod at Koolet.

Sina Pekka, Milo at Rod ay parehong nakatanggap ng 2 million pesos.


Sila ay ginantimpalaan sa naibigay nilang impormasyon na nagbunsod sa pagkakasamsam ng mga bulto-bultong shabu at iba pang illegal drugs at pagka-aresto ng ilang Chinese at high profile drug personality.

Si Koolet naman ang nakakuha sa pinakamaliit na bahagi na 1,563,780 dahil sa impormasyon niya na nagbunsod sa pagkasamsam ng 23,996 grams ng shabu at pagkalambat ng dalawang drug personality noong June 2018.

Facebook Comments