Vic Sotto, ipinakilala si Pokwang bilang leading lady sa kanilang MMFF entry

213
via @simplengbinata on Twitter

Ipinakilala ni Vic Sotto si Pokwang bilang leading lady sa pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity” opisyal na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.


Kasama rin ni Vic si Maine Mendoza, co-host sa Eat Bulaga, pati sina Jake Cuenca at Pokwang na mula pa sa rival network.

Ayon kay Vic, hindi alintana ang magkaibang network sa kanilang pagsasamahang pelikula.

“Lahat kami mga Kapatid, Kapuso at Kapamilya,” ani Vic.

Pinahayag naman ni Pokwang na nasasabik siya sa muling pagtatambal nila ni Vic matapos ang siyam na taon.

“Aarte pa ba ako? Vic Sotto ‘yan! Noong nalaman ko nga napasigaw ako eh,” paliwanag ni Pokwang.

Nitong 2011 sa pelikulang “Pak! Pak! My Dr. Kwak” huling nagsama si Vic at Pokwang.




Sinugurado rin ng Eat Bulaga host na asahan na mas bago sa panlasa at paningin ang kanilang pelikula ngayong taon.

Facebook Comments