Rica Paralejo, kinumpirmang apat na buwang buntis sa ika-2 anak

Manila, Philippines – Kasama ang kanyang asawa na si Pastor Joseph Bonifacio, inihayag ngayon ni Rica Peralejo na apat na buwan na siyang buntis sa ikalawa niyang anak.

Sa kanyang Youtube page, masayang ibinalita ni Rica ang pagbubuntis niya lalo na sa mga nag-ce-cheer sa kanya matapos na makunan ng dalawang beses at magkakaroon ng reproductive health issues.

Kwento ni Rica, October 17, 2018 nang malaman niyang buntis siya pero ngayon lang nila ito inihayag dahil maselan ang kanyang kalagayan.


Nakakaranas din kasi ang aktres ngayon ng tinatawag na apas o autoimmune disorder kung saan nagiging abnormal ang kanyang immune system na lumalabas sa mga buntis.

Kaya naman para daw maging ligtas ang sanggol sa kanyang sinapupunan, kinakailangan niyang uminom ng pitong gamot sa umaga at tanghali habang lima sa gabi bukod pa sa daily injections.

Facebook Comments