Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang pagbabahagi ni Rica na mas pinili niya ang unmedicated homebirth kaysa sa hospital at nag-normal delivery matapos ang caesarean sa unang anak.
Sinabi niyang hindi gusto ang manganak sa ospital dahil hindi ‘hiyang’ ang kaniyang katawan at mas nahirapan siya sa ospital.
Dagdag niya, humingi siya ng payo at pahintulot mula sa kaniyang Obstetrics gynecologist na Vaginal Birth After Caesarean Section (VBAC) supporter at nag-alok ng doppler para mamonitor ang kaniyang baby.
“Dito ko na naisip na kumuha ng midwife para at least isang professional healthcare provider nalang ang tumitingin ng vital stats ko at ng heartbeat ni baby as I labor in the house,” aniya.
Dagdag ni Rica, sinugurado rin niyang siya ay malusog at fit upang mailabas ang bata nang maayos.
Sinunod niya rin ang mga payo sa treatments para maging ligtas ang bata.
“The best that I could do while waiting was be faithful to follow ob gyn’s requests for check ups and scans, and also pray and meditate to get into the mind of God,” ani Rica.
Nagpahayag naman ng suporta ang ilang ina sa Instagram, kung saan ay naranasan din nila ito.
“You did a great job and so did the entire team. Praying for more medical people to be open about this…and more researchers to study about VBAC, home birth and all the “non conventional, non hospital” approach. God bless your heart!” ani ng isang komento.
Nauna nang sinabi ng mga netizen na hindi dapat impluwensiyahan daw ang iba pang nanay na manganak na lamang sa bahay kaysa sa ospital.