Ricardo Parojinog a.k.a. Arthur Parojinog, inilagay sa lookout bulletin ng DOJ

Manila, Philippines – Inilagay sa Immigration look out bulletin si Councilor Ricardo Parojinog a.k.a Arthur Parojinog.

Si Councilor Ricardo/Arthur Parojinog ay isa sa mga iniimbestigahan ng mga otoridad pero wala sa kanilang tahanan nang isilbi ang search warrant na naging ugat kung bakit nasawi si Ozamis city Mayor Reynaldo Parojinog Sr., asawa nito at 14 na iba pa.

Nakasaad sa kautusan na dahil sa bigat ng paglabag na kinakaharap ng nasabing personalidad ay hindi malayong lumabas ito ng bansa.


Kasunod nito, inaatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang lahat ng immigration personnel na maging alerto at agad ipagbigay alam sa DOJ at PNP kung nagtatangkang lumabas ng bansa si Ricardo Parojinog.

Facebook Comments