Ipinaliwanag ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar, na ang Rice Tariffication Law ay may P10 bilyon na taunang budget mula sa national budget sa susunod pang anim na taon o hanggang 2024.
Ayon kay Villar, ito ang dahilan kaya hindi kailangan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang karagdagang pondo mula sa COVID-19 prevention.
Diin ni Villar, ang karagdagang pondo na hinihingi ng Department of Agriculture (DA) ay para sa kanilang iba pang programa at hindi para sa RCEF.
Binanggit ni Villar na bukod sa RCEF, ay may hiwalay na programa ang DA tulad ng National Rice Program na may taunang P7 bilyong budget na pambili ng fertilizer at hybrid seeds.
Facebook Comments