Ang proyekto ay bilang Outscaling of Rice-Based Farming System (Rice+Duck) in Open Source Pump Irrigated Areas sa City of Ilagan at Tumauini, Isabela.
Nagpasalamat naman si DA Regional Executive Director Narciso A. Edillo sa Bureau of Agricultural Research, MLGU Tumauini at farmer cooperators na sumusuporta at tumatanggap ng proyekto.
Aniya, ipagpatuloy nang maayos sa pagkamit ng food security sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa.
Hamon naman ni DA-BAR Executive Director Junel Soriano sa bawat isa ang ipagpatuloy ang project.
Ayon naman kay DA-CVRC and Project Leader Gemma Bagunu, pinondohan ito ng DA-BAR ng P4.9 milyon at P2.5 milyon naman mula sa DA-RFO2.
Sinabi niya na nagsimula ang pamimigay ng limang (5) ducks sa 150 rice farmers cooperators noong September 2021 mula sa Tumauini at City of Ilagan.
Dumalo sa aktibidad si Regional Technical Directors Rose Mary G. Aquino at Roberto C. Busania, Municipal Agriculturist Noel Baquiran, Lapogan Barangay Captain Rizalino Garcillan at ilan pang opisyal ng ahensya ng lokal na pamahalaan.