Posibleng umabot sa all time high na 4.7-M metric tons ang angkat na bigas ng bansa bago matapos ang taon.
Ayon kay Asec. at Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel De Mesa, as of December 12, nasa 4.48 million metric tons na ang imported na bigas ng bansa.
Sa tanong naman kung labis-labis ang pag-aangkat ng bigas, ipinaliwanag ni De Mesa na tama lang ito lalo’t tumama ang magkakasunod na kalamidad sa bansa tulad ng El Niño at malalakas na bagyo.
Inihayag din ni De Mesa na ang imported na bigas ay sasapat para sa tatlong buwang supply bago pumasok ang harvest season.
Facebook Comments