RICE SHORTAGE | NFA administrator Jason Aquino, kakasuhan ni Sec. Roque

Manila, Philippines – Dapat na maharap sa parusa si National Food Authority Administrator Jason Aquino.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng nararanasan ngayong NFA rice shortage sa bansa.

Para kay Roque, maituturing na “technical malversation” ang paggamit sa pondo ng NFA bilang pambayad ng utang.


Matatandaang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang NFA kung bakit ginamit nito ang P1.5-million subsidy mula sa gobyerno para magbayad ng utang sa halip na gamitin para sa food security program ng ahensya.

Dahil dito, nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas nagmahal ang presyo nito na nagresulta sa pagtaas ng inflation.

Giit ni Roque, bahagi si Aquino ng problema sa NFA at siya mismo, handang magsampa ng kasong graft and corruption laban sa kanya.

Facebook Comments