RICE SMUGGLING | PNP, ‘aggressively’ ang pagsuporta sa kampanya kontra sa mga illegal rice traders

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) na suportahan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa mga illegal rice traders.

Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang rice smuggling.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ipinag-utos na niya sa directorate for operations na makipag-coordinate sa Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) na palakasin ang law enforcement laban sa illegal practices na nakakaapekto sa food security.


Makikipagtulungan din ang pnp sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Competition Commission (PCC) para makabuo ng solusyon sa problema.

Facebook Comments