Bumaba ang kabuaang rice stocks inventory ng Pilipinas hanggang noong Enero ng 2023.
Ayon sa Philippine Statistic Authority o PSA, bumaba ng lima punto isang porsyento ang imbentaryo ng bigas sa bansa.
Tinatayang nasa 1.76 million metric tons na mas mababa sa 1.86 million metric tons kumpara noong Enero 2022.
Paliwanag ng PSA kung ikukumpara nuong December 2022 na nasa 2.53 million metric tons, bumaba na sa 30.3 percent ang imbentaryo ng bigas.
Sa talaan ng PSA, tumaan ang imbak na bigas sa mga kabahayan ng 7.6 percent hanggang noong Enero 2023.
Gayunman, bumaba ang inbak na bigas ng nasa commercial sector ng 11.5 percent habang 44.8 percent naman sa National Food Authority (NFA).
Facebook Comments