RICE TARIFFICATION BILL | Mga ralyista, nagsagawa ng kilos-protesta sa Senado

Manila, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng gate ng Senado ang mga empleyado ng National Food Authority, grupo ng mga magsasaka, mga atmaliliit na negosyante at rice millers.

Ang kanilang hakbang ay para kumbinsihin ang mga Senador na huwag ipasa ang senate bill number 1998 o ang rice tariffication bill.

Giit nila, papatayin ng panukala ang kabuhayan ng ating mga magsasaka dahil aasa na lang tayo sa imported na bigas na magpapaunlad sa ibang bansa.


Ikinatwiran pa nila na ang implementasyon ng rice tariffication ay magbubunga ng pagsandal ng bansa sa malalaking negosyate ng bigas na nakatutok lang sa kanilang malaking kikitaan.

Sa ganitong sitwasyon, ang National Food Authority (NFA) anila ay tila magiging bodega na lang ng imported bigas at wala na tayong maaasahang murang bigas.

Dagdag naman ng mga magsasaka, mawawalan ng saysay ang post-harvest facilities na ipinangutang pa nila sa bangko.

Facebook Comments