RICE TARIFFICATION BILL | Rice fund, pinatitiyak na may otomatikong alokasyon

Manila, Philippines- Magpapasok ng amendments sa Rice Tariffication Bill ang Magnificent sa Kamara upang mabigyang proteksyon ang mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pinangangambahan na hindi magagamit sa interes ng mga magsasaka ang rice fund na nakapaloob sa rice tarrification.

Imumungkahi ng kongresista ang automatic appropriation sa rice fund sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) at hinihiling din sa Department of Budget and Management at Department of Agriculture ang periodic release ng pondo.


Paliwanag ni Lagman, sa ganitong paraan ay tiyak na magagawa ang mga programa para sa mga magsasaka dahil mayroon na agad na otomatikong alokasyon.

Layunin umano nito na matiyak ang rice sufficiency at self-reliance ng mga local farmers.

Iginiit naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na pagkalooban ng gobyerno ng crop insurance at social insurance ang mga magsasaka sa mga lupa at ani na masasalanta ng kalamidad upang sa gayon ay matiyak na makapagpapatuloy pa rin sila sa pagsasaka.

Hiniling din ng mambabatas ang pagbabawal sa land conversion partikular sa mga irrigated lands sa ilalim ng Land Use Act.

Facebook Comments