RICE TARIFFICATION | Grupong Federation of Peasant Women at Bantay Bigas, nagprotesta sa harap ng Batasan Pambansa

Manila, Philippines – Nangalampag sa harap ng South gate ng House of Representatives ang mga grupong National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas.

Bitbit ng grupo ang isang higanteng lapida.

Ito ay para isadula ang napipintong pagkamatay lokal na industriya ng bigas at ng kabuhayan ng mga magsasaka.


Ito ay sa harap ng isinusulong na pagpapataw ng taripa sa bigas sa layuning ma-stabilize ang presyo ng pagkaing butil sa pamilihan.
Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, ang price bidding sa bigas sa world market ay iniimpluwensiyahan ng mga speculation.

Aniya, ang mga local rice farmers ay hindi kakayaning makipagkumpitensya sa pagbuhos sa bansa ng imported rice.

Dehado aniya ang mga ito dahil maliban sa atrasado ang agricultural technology sa bansa, masyadong magastos ang cost of production sa pagsasaka.

Facebook Comments