Umapela ang Department of Agriculture na bigyan ng pagkakataon na maipatupad ang maayos ang Rice Tariffication Law.
Ito’y matapos lumabas sa isang pag-aaral na naungusan na ng Pilipinas ang China pagdating sa pag-aangkat ng bigas sa mundo.
Sinabi ni Agriculture Sec. William DAR, magkakaroon ng little adjustments upang mas maging epektibo ang batas.
Para kay Dept. of Finance Sec. Carlos Dominguez, hindi kinakailangang itigil at irebisa ang Rice Tariffication Law.
Paglilinaw naman ni Dept. of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, ang isyu sa pagiging produktibo at competitive ng mga lokal na magsasaka ang totoong problema at hindi ang batas.
Kasabay nito, patuloy ang pagbibigay ng subsidiya sa mga apektadong magsasaka.
Mula nitong October 31, pumalo na sa 11.4 Billion Pesos ang nakolektang taripa mula Imported Rice, mas mataas kaysa sa inaasahang 10 Billion Pesos.
Gagamitin ang halaga para makabili ng binhi, makina at mga kinakailangan para makabangon ang mga lokal na magsasaka.