Rice Tariffication Law, ‘Di dapat Ikagalit-Sen. Cynthia Villar!

*ISABELA-* Walang dapat ikagalit ang mga lokal na magsasaka sa pagsasabatas ng Rice Tariffication Law dahil maganda umano ang layunin ng nasabing batas.

Ito ang iginiit ni Senator Cynthia Villar, Chairman of the Senate Committee on Agriculture and Food sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Kinakailangan anya na gawin ng mechanized ang ating pamamaraan ng pagsasaka gaya ng Vietnam na tinatangkilik ang makabagong pamamaraan ng pagsasaka.


Sa ilalim anya ng nasabing batas ay mas gaganda ang produksyon ng palay at bigas sa bansa, mapapababa ang production cost ng mga magsasaka dahil matutulungan ang mga ito mula sa buwis na makokolekta sa mga aangkating bigas.

Ipinaliwanag ng senador na mula sa makokolektang taripa ay maglalaan ang gobyerno ng 10 bilyong piso kada taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund upang maturuan ang mga magsasaka kung paano maging competitive sa imported rice.

Sa P10 billion na ilalaan kada taon ay mayroong 5 bilyon piso para sa mechanization, 3 bilyon piso para sa seed production, 1 bilyon sa pagpapautang at 1 bilyon piso para sa training ng mga mag-aaral sa mechanization at seed growing.

Wala naman anyang masama na bubuwisan ang mga aangkating bigas at ibibigay sa mga magsasaka ganun rin sa pagbili ng NFA sa mga local farmers na mayroon namang inilaang budget upang mamili.

Inihayag din ng senador na sa panahon ngayon ay wala ng sapat na bilang ng mga Pilipino ang gustong magtanim ng mano-mano.

Facebook Comments