Rice Tariffication Law | P10 Bilyon na Ilalaan sa mga Magsasaka, Titiyakin ni Sen. Cynthia Villar!

*Cauayan City, Isabela- *Ipinangako ni Sen*. *Cynthia Villar, Chairman of the Senate Committee on Agriculture and Food na kanyang titiyakin na maibibigay sa mga lokal na magsasaka ang P10 Bilyon kada taon na inilaang pondo ng gobyerno para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund kaugnay sa Rice Tariffication Law.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Sen. Cynthia Villar, handa itong gumasto ng sariling pera upang idemanda ang Department of Agriculture (DA) kung hindi idideretso sa mga magsasaka ang buwis na makukuha mula sa mga imported rice.

Tiniyak din ng senador na hindi babahain ng imported rice ang Pilipinas dahil sa Asya lang naman anya ang nagproproduce ng malaking supply ng bigas na tumutustos sa buong mundo.


Nilinaw naman nito na sa kabila ng pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas ay hindi naman mag-iimport ang ating bansa ng mga makina para sa farm mechanization dahil hindi anya kaya ng budget ang presyo ng mga farm equipment sa ibang bansa.

Mas mainam anya na manggagaling mismo sa ating bansa at gawa ng mga Pinoy ang mga gagamiting makina.

Ayon pa sa senador, layon lamang na maiahon sa hirap ang mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments