Rice Tariffication Law, patuloy na ipatutupad ng DOF para makontrol ang inflation

Hindi titigil ang Department of Finance (DOF) sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno na opisyal niyang irerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ituloy lamang ang pagpapairal nito.

Giit ni Diokno, malaki ang kontribusyon ng Rice Tariffication Law sa pagnanais ng gobyerno na mapigil ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Paliwanag ni Diokno, bigas ang pangunahing sanhi ng inflation bago pa man naisabatas ang liberalization ng bigas o ang Republic Act 11203 noong February 2019.

Ngunit nang maipatupad na ito, bumagsak sa negative level ang inflation.

Sa bisa ng Rice Tariffication Law, sinabi ni Diokno na na-e-enjoy ngayon ng mga Pilipino ang pitong pisong kabawasan sa presyo kada kilo ng bigas, kumpara sa pinakamataas na presyo nito noong 2018.

Facebook Comments