RICE TARIFFICATION | Media, sinisi sa napabalita na mawawala na ang murang bigas

Manila, Philippines – Sinisi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang media sa pagkalat ng impormasyon na mawawala na ang murang bigas sa merkado sa sandaling maisabatas na ang rice tariffication bill.

Ayon kay Piñol, sinagot lamang niya ang tanong ng media sa year-end report conference sa DA headquarters.

Aniya, sinagot lamang niya ang media na hindi na kakayanin ng gobyerno na i-subsidize ang murang bigas kapag inihinto na ang pag-import ng bigas.


Pero, kakayanin pa rin naman ng National Food Authority (NFA) na magbenta ng murang bigas sa pamilihan.

Lugi na kasi aniya ng nueve pesos ang gobyerno sa umiiral na presyuhan ng aning palay mula sa local farmers at sa dagdag na three pesos incentive sa palay procurement.

Idinagdag pa ng DA chief na mismong si NFA OIC Tomas Escarez ang nagpalutang sa P35-P36 na magiging presyo ng kada kilo ng NFA rice noong humarap ito sa pagdinig ng Senado.

Facebook Comments