Magsasaka sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust Operation!

47

*Santiago City- *Timbog ang isang magsasaka matapos makuhanan ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Villasis, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Wilson Gabriel, 28 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng brgy. Caquilingan, Cordon, Isabela.


Batay sa ibinahaging impormasyon ng Santiago City Police Station 1, nahuli si Gabriel matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumibili.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at 500 pesos bilang marked money.

Nasa himpilan na ng PNP ang naturang suspek at nakatakda itong isailalim ngayong araw para sa inquest proceedings.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments