Umapela si House Deputy Speaker Sharon Garin na pirmahan na ni pangulong Duterte ang rice tarrification bill o ang pagluwag ng gobyerno sa pagpasok ng imported rice sa ibang bansa.
Paliwanag ni Garin na siya ring may-akda ng panukala, makakatulong ang pagluwag sa mga pumapasok na imported rice para mapababa ang presyo ng bigas dahil sa limitadong suplay ng bigas.
Sa kabila ng pagsaalang-alang sa interes ng mga mahihirap para sa murang bigas, tinitiyak din sa panukala ang pagprotekta sa interes ng mga lokal na magsasaka.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang pagpirma ni pangulong Duterte sa panukala.
Facebook Comments