Nagbitiw na bilang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ricky Vargas matapos ang executive session sa board sa POC Headquarters sa Philsports Compound sa Pasig City.
Batay sa irrevocable resignation letter ni Vargas, may ilang sports leader ang nararapat sa pwesto na may kakayahang patakbuhin ng maayos ang POC.
Hiniling din ni Vargas na tumulong si Secretary General Patrick Gregorio kay POC First Vice President Joey Romasanta na siyang hahalili sa kaniya.
Sa huli, sinabi ni Vargas na patuloy pa din niyang susuportahan ang POC bilang opisyal ng MVP Sports Foundation at Presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).
Matatandaan na nanalo sa eleksyon noong February 2018 si Vargas, na siya ring nagtapos sa 13-taon na pamumuno ni Jose “Peping” Cojuangco sa National Olympic Body.