Rico Blanco, nag-alay ng kanta kay Hidilyn Diaz

Isang acoustic version ng kanta ng Rivermaya na “Alab ng Puso” ang inialay ni Rico Blanco para kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ibinahagi ng singer-songwriter ang video ng kanta sa kaniyang Facebook noong Martes, July 27.

Aniya, hindi pa rin siya makapaniwala na may Olympic gold medal na ang Pilipinas.


Alam din naman aniya ng lahat na mahal niya ang sports katumbas ng pagmamahal niya sa musika.

“Mula sa pagkabata ko iniisip ko kung kailan darating ang panahon. At dumating na nga kahapon. Sa mga balikat ni Sgt. Hidilyn Diaz, binuhat nya ang mga pangarap ng bawat Pilipinong katulad ko,” ang bahagi ng kanyang caption.

“Hindi ko mapigil ang pag apaw ng inspirasyon mula sa kanya at nais kong magpasalamat lamang kaya’t agad agad kong ginawa at inaalay sa kanya ang recording na ito. Salamat, Hidilyn,” dagdag niya.

Samantala, narito ang lyrics ng kantang inialay ni Rico para kay Hidilyn:

Ika’y matutumba.
Ika’y masasawi.
Mabibilangan ka ngunit babangon kang muli.
Walang maniniwala.
Walang makikinig.
Wala na raw pag-asang daigdig mong tagilid.
Padadala ka ba sa agos o hindi?

Lumuha ka, kung hindi mo mapigilan ang tuwa.
Matagal kang naghintay kaibigan.
Umawit ka.
Paabutin mo sa langit ang tamis ng sandaling ibinigay.
Tagumpa, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ay.
Tagumpa, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ay.
Alab ng puso, kailanma’y hindi sumuko.

Facebook Comments