Tuesday, February 17, 2026

RIDER AT ANGKAS NITO, ARESTADO MATAPOS MAMBATO NG BOTE NG ALAK SA KAPULISAN SA CHECKPOINT SA MANGALDAN

Arestado ang isang rider at ang angkas nito matapos mambato ng bote ng alak sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Brgy. Poblacion, Mangaldan madaling araw ng Pebrero 17.

Batay sa ulat ng pulisya, nahuli ang dalawa dakong 2:20 ng madaling araw habang hindi nakasuot ng helmet at sakay ng motorsiklo na walang tamang plaka.

Binigyan ng Traffic Citation Ticket ang driver ng isa sa mga pulis. Subalit, dakong 2:30, bumalik ang dalawa sa checkpoint at nambato ng bote ng alak sa mga nagbabantay na pulis bago tumakas.

Agad isinagawa ang pagpapatrolya at naaresto ang dalawa sa kahabaan ng Golea St., Brgy. Poblacion, Mangaldan.

Dinala sila sa Mapandan Community Hospital para sa medical examination kung saan lumabas na positibo ang mga suspek sa alak.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan Municipal Police Station ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon at legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments