Nasugatan ang isang rider at ang kanyang angkas matapos matumba ang sinasakyang motorsiklo sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa San Nicolas, Pangasinan, dakong alas-otso ng umaga noong Pebrero 11, 2026.
Ayon sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng rider ang pataas na bahagi ng kalsada patungong silangan nang mangyari ang insidente.
Pagdating sa kurbada, nawalan umano ang driver ng kontrol sa manibela dahilan upang tumama ang motorsiklo sa gilid ng kalsada at tuluyang matumba.
Dahil sa insidente, kapwa nagtamo ng minor injuries ang rider at ang kanyang angkas at agad na dinala sa ospital para sa agarang lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye kaugnay ng insidente.
Facebook Comments








