Sa boundary ng Cainta-Pasig, nakiusap ang rider sa mga sundalo at pulis na payagan siyang padaanin dahil susunduin niya ang tatlong-buwang-buntis na maybahay.
Ayon sa motorista, nagtratrabaho sa isang BPO company ang kaniyang misis kaya naabutan na ito ng total lockdown.
Kinailangan daw maglakad ng asawa niya hanggang Ligaya Extension sa Pasig City para makauwi lamang.
Samantala, napilitang maglakad ang isang doktor, na galing din sa Cainta, upang makarating sa pupuntahang barangay medical clinic.
Aniya, mahigit tatlo’t kalahating oras siyang naipit sa traffic bunsod ng ginagawang inspeksyon sa mga indibidwal.
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sakop ng halos total lockdown ay ang pagpapahinto ng mass transportation sa mga apektadong lugar.