Rider, Patay matapos sumalpok sa Isang Bus!

*Tuguegarao City, Cagayan-* Dead on the spot ang isang lalaki matapos bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus pasado alas singko kaninang umaga sa pambansang lansangan ng Brgy. Caggay, Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFMCauayan, lumabas sa imbestigasyon ng PNP, habang bumabagtas sa lansangan ang suspek at driver ng Florida bus na may plakang BVT 404 na si Jackie Sinon nang biglang umagaw sa linya ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng hindi pa matukoy na biktima na nagresulta sa kanilang salpukan.

Sa tindi ng banggaan, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang sakay ng motorsiklo na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Mahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide at Damage to Property si Jackie Sinon.

Facebook Comments