Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang 33 anyos na rider matapos mahagip ang isang SUV sa kahabaan ng Brgy. Pagal, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, magkasunod na binabaybay ng dalawang sasakyan ang kalsada nang lumiko pakanan ang SUV, dahilan upang mahagip ito ng kasunod na motorsiklo.
Gumamit din umano ng signal light ang driver ng SUV na posibleng bigong mapansin ng motorista.
Agad naisugod sa pagamutan ang rider habang dinala naman sa kustodiya ng pulisya ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments










