Manila, Philippines – Sa ospital ang bagsak ng isang rider matapos sumemplang ang sinasakyan nitong motor sa kahabaan ng Plaza Dilao Quirino Extension, Paco, Manila.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang tagiliran ang biktima na nakilalang si Rodelio Lama.
Dahil sa lakas ng ulan dulot ng bagyong Salome, kinumutan ng mga nag-rescue ang biktima pra hindi ito mabasa ng ulan at lamigin.
Nabatid kasi na 2 oras nang naghihintay ito ng saklolo matapos ang nangyaring aksidente kung saan pumailalim pa sa truck ang sinasakyan nitong motor
Ayon sa driver ng truck na si Franciso Lapardo, papunta na sana sya ng pier sa Tondo nang biglang dumahusdos sa ilalim ng truck ang motorsiklo.
Sa lakas ng impact, tumilpon pa ng ilang metro ang biktima.
Kwento ng mga pulis na rumisponde, naka inom ng alak ang rider at nahulihan pa nil ito ng bote ng alak.
Samantala, nagdulot naman ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa Quirino extension ang aksidente.