Amai Manabilang PNP Vehicle tinambangan, COP kritikal, baby nadamay, patay

Patay ang dalawang indibidwal kabilang na ang 4month old na bata matapos tambangan ang PNP Vehicle ng Amai Manabilang sa Brgy Talakag Bukidnon pasado alas singko kahapon ng hapon.

Sa impormasyong nakuha mula kay PNP ARMM Spokesperson PSIns Jemar Delos Santos, nagmula sa command conference ang mga pulis Bumbaran ( Amai Manabilang) papauwi ng kanilang Municipal Headqurters ng paulanan ng bala ng di umanoy mga elemento ng New Peoples Army.

Sinasabing agad na binawian ang driver ng PNP Vehicle, na NUP ng MPS, habang wounded si PINS Joven Acuesta, Hepe ng Bumbaran MPS at mga elemento nitong sina PO1 Nathaniel Ibal, SPO3 Arniel Carillo at SPO1 Gabudoy.


Habang nadamay sa ambush ang sumusunod ng Toyota Fortuner na may sakay na tatlong sibilyan dalawa rito ay mga babae, isa rito ang napatay , ang 4 month old na baby.

Patuloy na inoobserbahan ang mga nasugatan sa ibat ibang pagamutan habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. Inaalam rin ang impormasyon sa di umanoy pagtangay ng mga NPA sa ilang elementong sakay ng PNP Vehicle.
Kinokondena naman ngayon ng pamunuan ng PNP ARMM ang insidente.

Facebook Comments