Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na pumalo na sa bilang na 2,031,787 ang kabuuang ridership ng Free Ride Service program nito para sa mga health worker sa buong bansa.
Ito ay base sa kanilang datos na nakolekta mula noong Marso 2020 kung saan ang simula ng nasabing programa hanggang kahapon.
Mula sa nasabing bilang, 560,129 ang total ridership sa National Capital Region o NCR-Greater Manila, habang 1,471,658 naman sa iba pang mga rehiyon.
Matatandaan ang Free Ride Service ay inilunsad ng DOTr upang bigyan ng masasakyan ang mga health worker habang limitado ang public transportation sa buong bansa dahil sa ipinatupad na community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.
Batay utos ng DOTr, hindi lang sa NCR ipinatupad ang Free Ride Service para sa health workers, kundi isinaama na rin ang regions 1, 2, 3, 4-A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA.