MAG-INGAT | DOH, nagpa-alala sa publiko na maging ‘hydrated’ ngayong Semana Santa

26

Manila, Philippines – Nagpa-alala ang Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling ‘hydrated’ habang ginugunita ang Mahal na Araw.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito para maiwasan ang mga sakit na nauuso ngayong mainit na ang panahon.

Payo ng kalihim na ugaliing magdala ng tubig, read-to-eat meals at payong kapag bibisita sa mga simbahan.

Madali lang din maiiwasan ang heat stroke at heat exhaustion kung agad iinom ng isang baso ng malamig na tubig.

Ang mga tao na may mataas na blood pressure ay dapat manatili sa kanilang mga bahay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung saan nasa karurukan ang mainit na temperatura.

Ang mga magpepenitensya ay siguring malinis at ligtas ang mga gagamiting pako o matatalas na bagay para maiwasan ang tetanus infection.

Facebook Comments