Riding-in-tandem na nagpanggap na pulis, arestado sa Mandaluyong

Manila, Philippines – Arestado ang riding-in-tandem na nagpanggap na mga pulis sa ikinasang mahigpit na checkpoint sa Mandaluyong City.

Timbog sina Fretzel Geronimo, 46-anyos at angkas nitong si William Ang, 45-anyos na kapwa walang suot na helmet.

Sa ulat, nakasuot ng camouflage na pantalon na may insignia ng NCRPO si Geronimo habang naka berdeng t-shirt na may marking na police si Ang.


Nang beripikahin ng Mandaluyong police ang dalawa ay dito lumabas na hindi pulis ang mga ito.

Depensa ni Geronimo – hindi nito alam na may ordinansa sa lungsod na bawal ang riding-in-tandem.

Iginiit naman ni Ang na wala silang intensyong masama.

Pero hindi ito kinagat ni Mandaluyong Chief of Police, Senior Supt. Joaquin Alva dahil natuklasan pa nila na wanted sa kasong highway robbery at illegal possession of firearms sa Quezon City si Ang.

Sinampahan na ng kasong usurpation of authority at illegal use of uniform o insignia.

* DZXL558*

Facebook Comments